You know my name, not my story. You’ve heard what I’ve done, not what I’ve been through.
PENSIEVE
My favorite boybands. :)
Etong tatlong boybands na to ang bumuo ng elementary days at high school days ko. Hahaha.
Sa pagkakaalala ko, tong A1, grade 4 pa lang ata ako andyan na sila. Ang crush na crush ko talaga sakanila syempre si Ben Adams. Haha. Tape pa pinapatugtog ko nun dahil mahal pa cd nun mga panahon na un. Haha. Nakapanood pa ko ng first concert nila dito sa pinas. Kung di ako nagkakamali, first concert nga nila un. Haha. Grade 5 na ko nun. Nakapanood ako kasi reward ko un galing sa mommy ko dahil nakapasok ako sa top 5 sa school. Pang 5 ako. Haha. Sa general admission lng kami nun pero ang saya-saya ko talaga. Un din yata first ever concert na napanuod ko. Haha.
Yang Blue naman, sobrang naadik ako nun grade 6. Lalo na sa kanta nilang “best in me” na naging “theme song” pa namin ng first boyfriend ko. Landeee. Hahaha. Grabi. In love talaga ko kay Lee Ryan. Sooobrang gwapo kasi. Ay ang boses, haaay nako! Ayan, kinikilig nanaman ako. Hahaha. Actually may pagkakahawig sila nun first boyfriend ko. Hawig- hawig lang naman. Kaya ko nga siguro sinagot un kasi hawig sila. Chos! Haha. Kumpleto din ata ko dati ng mga albums nila. Pero ngayon di ko na alam kung nasaan na. Hahaha.
Pinaka favorite ko talaga, Westlife. Bakit? Kasi kay Mark Feehily! Haha. Tsaka dahil dyan naging magbestfriend kami ng bestfriend ko nun highschool, si tina. :) adik kami parehas eh. May collection ako ng albums nila. Nauubos ink ng printer namin dati kakaprint ng lyrics ng mga kanta nila tska ng mga biography at tsismis ng buhay nila. Kaloka lang diba. Haha. Pero ni isang concert nila dto wala akong napanuod. :(
Haaay. Ang sarap lang balikan. Concert din kasi ng A1, Blue tska nun nsa 98 degrees ngayon kaya ko sila uli naisip. Malamang tapos na un.Sila tuloy nasa playlist ko ngayon. Namiss ko din eh. Haha. Iba talaga ung kilig ko pag kay Lee Ryan. Nakow! Hahaha. :)







